Huwebes, Oktubre 13, 2011

Ang Aking Sarili

Ako si Tristamielle Viray. Ako ay 12 taong gulang. Isinilang noong ika-26 ng Oktubre, 1998. Nakatira ako sa 1983-M Katamanan St. Tondo, Manila. Ang nag-alaga sa akin mula pagkabata ay ang aking lola at lolo. Ako ay nasa Unang Taon, Pangkat Charity sa Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Manila Sentral. Hilig ko ang paglalaro ng mga kompyuter games at paglalaro ng badminton. Nagtapos ako bilang balediktoryan noong nasa ika-6 na baitang sa mababang paaralan. Ako ay isang matangkad, mapagkaibigan, at mapagmahal na bata. Hangad ko na madagdagan pa ang aking kaalaman at maging isang kapakipakinabang na mamamayan ng Pilipinas balang araw.

2 komento:

  1. Tulad ko kabilang ka pala sa angkan ng matatapang :) Pakiayos ang ang bahaging ito:

    Ako ay nasa ika-unang baitang sa mataas na paaralan ng Pamantasan ng Manila Sentral. Ako ay kabilang sa pangkat Charity.

    Ito ang iyong ipalit:

    Ako ay nasa Unang Taon,Pangkat Charity sa Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Manila Sentral.

    Ang baitang ay ginagamit lamang sa elementarya at walang gitling ang Ika-una.

    Hanggang sa muli :)

    TumugonBurahin